Friday, August 9, 2013

DOSENA: Labindalawang Taon ng Pagkakaisa, Karunungan at Tagaumpay

    Twelve. Dose. Labindalawa. Ganito pa nga lang kabata ang ating sintang kolehiyo, ang Kolehiyo ng Komunikasyon. DOSENA: Labindalawang Taon ng Pagkakaisa, Karunungan at Tagaumpay, ang naging tema ng ating anibersaryo sa taong ito.
      Sinimulan ang pagdiriwang ng isang banal na pagtitipon na dinaluhan ng mga mag-aaral at mga guro. 

THANKSGIVING MASS
August 06


FESTIVALS
August 07


Judges and Host

Pista ng Binatbatan o Viva Vigan Festival






       Hango ang terminong Binatbatan mula sa salitang Iloko na batbatin. Isa itong pamamaraan upang paghiwalayin ang mga binilong bulak mula sa buto ng puno ng Kapas Sanglay. Ang mga binilong bulak ay kinidkid at ginamit upang maghabi ng mga Abel na ikinalakal ng mga Intsik na noo'y naninirahan sa Ciudad Fernandina. Ang mga mangangalakal na ito ay nagluluwas ng mga lokal na produkto mula ika-15 hanggang ika-18 siglo. Ang Binatbatan ay isa na ngayong kilalang sayaw ng mga Ilokano. Sa pista ng Binatbatan ay ipinamamalas ang galing ng mga kalahok sa street dance o pagsasayaw sa kalsada. Bawat kalahok ay sumasayaw na suot ang hinabing abel at sumusunod sa saliw ng nakaugalian at orihinal na sayaw ng Binatbatan.

Masskara Festival





     Ang MassKara Festival ay ipinagdiriwang sa Bacolod tuwing Oktubre. Ang MassKara ay mayroong dalawang kahulugan. Una, ito ay resulta ng pinagsamang Ingles na salitang “mass” na ang ibig sabihin ay “marami” at Español na salitang “kara,” na nangangahulugan ng “mukha.” MassKara rin ang lokal na tawag sa salitang “mask”, na itinuturing ngayong isang malaking parte nang pagdiriwang. Ang mga kalahok sa pagdiriwang na ito ay nagsusuot ng makukulay na maskara. Nakangiti ang mga nasabing maskara na sumisimbulo ng ugali at pagkakakilanlan sa mga residente ng Bacolod bilang lungsod ng mga ngiti.Kinikilala ang MassKara bilang isa sa pinakamalaki at pinakamagarbong piyesta sa bansa. Kinakatawan na rin ng MassKara ang Pilipinas sa iba't ibang malalaking selebrasyon sa Asya, tulad ng Chinggay Festival sa Singapore, Lunar Festival sa Hongkong, International Tourism Festival of Shanghai sa Tsina at saMidosuji Fetival Parade of Osaka sa Japan. Nakamit ng MassKara ang unang gantimpala sa Midosuji Festival para sa kategoryang kinabibilangan ng mga banyagang bansa.


Panagbenga Festival





       Ang Pista ng Panagbenga o ang Baguio Flower Festival ay ang taunang kapistahan sa Lungsod ng Baguio na idinaraos sa buong buwan ng Pebrero. Ipinagmamalaki dito ang kasaganahan ng mga bulaklak sa Baguio gayun din ang mayamang kultura nila kung kaya't ito ay dinarayo taon-taon ng mga turista.



      Ang salitang panagbenga ay may kahulugang, "panahon ng pagyabong, panahon ng pamumulaklak". Tatak nito ang magarbong kaayusan ng bulaklak, sayawan sa kalye, flower exhibit, paglilibot sa hardin, paligsahan ng pagayos ng bulaklak, maningning na pagsabog ng mga paputok, at iba pa.


Magayon Festival




        Ang Magayon Festival ay ipinagdiriwang tuwing Mayo bilang pag-alala sa alamat ng Bulkang Mayon. Ang pagdiriwang ay ipinangalan sa salitang Bikolano na "magayon", nangangahulugang maganda. Ang pista ay ipinagdiriwang bilang pagbibigay pugay sa Nuestra Señora de la Porteria, santo sa Daraga. Isinasagawa ito upang maipakita ang makulay na kultura ng mga taga-Daraga Albay.


Buyogan Festival


Ipinagdiriwang sa Abuyog, Leyte tuwing Agosto. "Buyog" o "bubuyog" ang sentro ng pagdiriwang na ito.


Buglasan Festival


     Ipinagdiriwang ito tuwing Oktubre sa Dumaguete City at tinaguriang "festival of Festivals". Isang linggong pagdiriwang, ipinakikita ang iba't ibang produkto at tourist attraction ng lugar. 


Pahiyas Festival




     Ang Pahiyas ay isang makulay na pista na ipinagdiriwang tuwing ika-15 ng Mayo sa Lucban, Quezon. Sa pamamagitan ng pistang ito, pinasasalamatan ng mga magsasaka dahil sa kanilang masaganang ani ang kanilang patron na si San Isidro Labrador. Ang selebrasyon kalimitan ay isinasagawa sa pamamagitan ng isang prusisyon ng imahe ni san Isidro at ng parada. Lahat ng mga bahay sa bayan ay napapalamutian ng kanilang sariling ani tulad ng mga prutas, gulay, palay, bulaklak, dahon, 'pako' at 'kiping' na siyang nagdadala ng isang makulay na kabuuan.



  Ang pinaka-tradisyunal at kaakit-akit sa mga palamuti ay nagmula sa "Kiping." Ang kiping ay gawa sa giniling na bigas na hinugis gamit ang dahon ng "caba" at iba pang mga dahon na kinukulayan ng matingkad tulad ng pula, fuschia, dilaw, berde at iba pang matingkad na kulay. 


Bangus Festival



     Ang Bangus Festival ay ipinagdiriwang tuwing Abril ng taon sa Dagupan City Pangasinan. Kinikilala nito ang kakaibang lasa ng mga bangus. Unang ipinagdiwang ito noong taong 2002 ni Mayor Benjamin S. Lim. Ipinagdiriwang ito sa pamamagitan ng pag-iihaw ng libu-libong bangus na umaabot sa mahigit kumulang dalawang kilometro. 


Tuna Festival



         Bilang pagbibigay pugay sa kahalagahan ng industriya ng tuna sa General Santos, ay ipinagdiriwang ang Tuna Festival tuwing buwan ng Setyembre. Sa pamamagitan ng iba’t ibang mga gawain at aktibidades ay naipapakita ang pangunahing pinagmumulan ng pinagkakakitaan mula sa tuna ng mga residente ng naturang lugar.



Kadayawan Festival
(Champion)









     Ang Pista ng Kadayawan sa Dabaw ay isang linggong selebrasyon ng pasasalamat para sa masaganang ani. Ito ay ipinagdiriwang tuwing ikatlong linggo ng Agosto sa Lungsod ng Davao


     Ang salitang “Kadayawan” ay nagmula sa katutubong salitang “dayao” na ang ibig sabihin ay “madayaw” – isang ekspresyon na ginagamit din upang ipaliwanag ang mga bagay na mahalaga, maganda, mabuti at kapaki-pakinabang. Sa Mandaya, ito ay tumutukoy sa isang magandang bagay na nagdadala ng suwerte. Sa Kadayawan Festival ay nagkakatagpo-tagpo ang iba’t-ibang lahi at kultura. Dito nagkikitakita ang tatlong uri ng tao na nakatira sa Mindanao – ang Lumad, Moro, at Kristiyano. Sila ang tinatawag na Tri-People of Mindanao. 

Pagkakaisa sa pagkakaiba. Ganito ang dulot ng Kadayawan Festival sa Davao City. Madayaw Davao!



No comments:

Post a Comment